Pinas nasa ‘moderate risk’ pa rin sa COVID – OCTA

Pinas nasa ‘moderate risk’ pa rin sa COVID – OCTA

July 10, 2021 @ 1:22 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Sinabi ni OCTA Research fellow Prof. Guido David na ang Pilipinas ay nasa ‘moderate risk’ pa rin sa COVID-19.

 “Sa pangkalahatan, moderate risk ang assessment natin. Hindi pa rin low risk at tsaka may areas na high risk pa rin,” saad ni David sa “Dobol B TV.”

Maaalalang naunang sinabi ng DOH na ang Pilipinas ngayon ay nasa low-risk area na.

Sa kasalukuyan, ang  COVID-19 positivity rate ng Pilipinas ay mas mababa na sa 5%, at sinabing hindi ito nakaaalarma.

“Based on the indicators parang dalawang low, dalawang moderate. So between low to moderate risk naman tayo sa NCR,” lahad pa ng eksperto. RNT/FGDC