Pinas, NCR, 8 rehiyon ‘moderate risk’ sa COVID

Pinas, NCR, 8 rehiyon ‘moderate risk’ sa COVID

February 8, 2022 @ 11:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nanatili ang Pilipinas sa moderate risk classification para sa COVID-19, ayon sa ulat ni Department of Health Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Duque na bumaba ang average na daily attack rate sa bansa sa 11.35% na kaso kada 100,000 indibidwal sa nakalipas na dalawang linggo mula Enero 25, 2022 hanggang Pebrero 07, 2022.

Ang National Capital Region, Caraga, Cordillera Administrative Region, Regions 6, 2, 7, 1, 4A, at 3 ay nasa moderate risk classification, habang ang Regions 8, 5, 4B, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa mababang panganib.

Samantala, ang Rehiyon 11, 9, 12, at 10 ay nanatili sa high risk classification.

Sa datos mula sa DOH naipakita nito na ang bed utilization rate ng  bansa ay nasa nasa 37.29%, ang merch vent utilization ay nasa 21.08%, habang ang ICU utilization ay nasa 40.9%.

Dagdag pa, sinabi ni Duque sa 9,536 kabuuang kumpirmadong kaso ng admission noong Pebrero 6, 2022, kabuuang 1,030 o 11% ang malala, 422 o 4% ang kritikal, 1,124 o 12% ang asymptomatic, at 3,082 o 32% ang banayad.

Aniya, tumaas ang mga mild cases noong unang bahagi ng Enero ngunit bumabagal na ngayon.

“Nagkakaroon po ulit tayo ng pagtaas ng bilang ng mga pumapanaw bunsod ng COVID-19 at ito po ay 93% ay hindi bakunado,” Duque added.

Sinabi rin niya na mayroong “mababang insidente” ng malubhang sakit sa mga kaso ng Omicron at ang rate ng pagkamatay ng kaso ay mas mababa ng hindi bababa sa 12 beses kumpara sa iba pang mga variant.

Sa 2,702 Omicron cases simula noong kalagitnaan ng Disyembre, sinabi ni Duque na anim lamang ang malala at kritikal na kaso o 0.22%. Naitala rin ang siyam na pagkamatay dahil sa Omicron, na nangangahulugang nasa 0.33% ang rate ng pagkamatay ng kaso.

“Whether ang Omicron variant is inherently milder virus, it is also possible that because of our higher vaccine trajectory is one of the reasons we’re getting much lower case fatality rate for Omicron and also severe and critical cases,” sabi pa ng kalihim. RNT