Pinas, NCR ‘high risk’ na lang sa COVID-19 – Duque

Pinas, NCR ‘high risk’ na lang sa COVID-19 – Duque

January 25, 2022 @ 7:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Bumaba na ang klasipikasyon ng Pilipinas, maging ng National Capital Region sa “high risk” mula sa dating critical risk, pero nananatiling mataas ang average daily attack rate (ADAR), ayon kay\ Health Secretary Francisco Duque III, Lunes ng gabi.

“Bumaba po ang two-week growth rate to 176%. Moderate risk classification siya samantalang ang average daily attack rate or ADAR nasa 25.46,” ulat ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People ng huli.

“Ito ay mataas pa rin dahil lampas po ito sa seven average daily cases per 100,000 population kaya classification is high risk,” dagdag pa ng DOH chief.

Sa kabilang banda, bumaba naman ang two-week growth rate ng NCR sa 7,225% to 65% pero ang ADAR nito ay nasa 85.46%.

Ibinalita rin ni Duque sa Pangulo na ang mga probinsya sa NCR Plus ay nagpapakita na rin ng pagbaba ng kaso ng COVID-19, habang nagpa-plateau na.

Ang mga rehiyon tulad ng Mimaropa, BARMM, at SOCCSKSARGEN ay nasa high risk classification din ng COVID-19.

Habang iniulat din ni Duque na nasa critical risk ang mga sumusunod na rehiyon:

  • Bicol Region

  • Cordillera Administrative Region

  • Western Visayas

  • Davao Region

  • Cagayan Valley

  • Northern Mindanao

  • Zamboanga Peninsula

  • Ilocos Region

  • Caraga

  • Central Visayas

  • Eastern Visayas

  • Calabarzon

  • Central Luzon

Sa kabila nito, iniulat naman ni Duque na tumataas ang COVID-19 cases sa Visayas at Mindanao.

Base sa datos ng gobyerno nasa 57 milyong Pino una ang fully vaccinated laban sa COVID-19. RNT