Pinas no. 1 na sa South East Asia

Pinas no. 1 na sa South East Asia

August 6, 2020 @ 7:01 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pilipinas na ang nangunguna sa listahan ng 10 bansa sa South East Asia na may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Nilagpasan na ng Pilipinas ang Indonesia ng 707 kaso sa pagkakaroon ng 3,480 impeksyon ngayong araw kumpara sa 1,882 ng Indonesia.

May kabuuang kaso na ang Pilipinas na 119,460 kumpara sa 118,753 ng Indonesia.

Pangatlo ang Singapore na may 54,555 kabuuang kaso, kasama ang 301 bagong kaso at sumusunod dito ang Malaysia na may 9,038, kabilang na ang 15 kaso.

Sumunod na rito ang Thailand na may kasong 3,330, kasama ang 2 bago; Vietnam – 718; Cambodia – 243; Brunei Darrusalam – 141, Lao PDR – 20.

Nauna rito, sinabi ng isang pahayagan sa Singapore na isang hotspot sa SEA ang Pilipinas sa bilis ng pagdami ng naiimpeksyon.

Mabilis na inabot ng Pilipinas at nilampasan ang Indonesia na dating nangunguna sa nasabing rehiyon ng mundo.

Ngayon nasa ika-22 na ang Pilipinas sa may pinakamaraming impeksyon at ika-23 naman ang Indonesia.

Malayo na ang kinalalagyan na pwesto ang iba pang mga bansang kasapi ng SEA. RNT/Fred Cabalbag


  •  
  •  
  •  

Loading...