Pinas nominado sa 2023 World Travel Awards   

Pinas nominado sa 2023 World Travel Awards   

February 21, 2023 @ 3:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dalawa sa pinakakilalang destinasyon sa bansa– Intramuros at Cebu — ang nominado sa 30th World Travel Awards (WTA), ayon sa Department of Tourism (DOT) nitong Martes.

Nominado ang Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination. Samantala, matapos manalo ng Intramuros sa parehong titulo sa WTA noong nakaraang taon, muli itong nakapasok sa nominasyon para sa Asia’s Leading Tourist Attraction.

Muling nominado ang bansa para sa Asia’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Beach Destination titles — na parehong nasungkit ng Pilipinas noong 2022.

“These recurring nominations clearly manifest the growing global travel demand into the Philippines, one that we aim to sustain in the coming days through the initiatives we have laid out for the tourism industry’s recovery and transformation post pandemic,” pahayag ni Tourism Secretary Christina Frasco.

Taong 2022 ang unang pagkakataon na itinanghal ang bansa na world’s leading beach spot habang ika-apat na pagkakataon nito bilang world’s top dive haven. Nominado rin ang DOT isbilang sia’s Leading Tourism Board sa WTA 2023.

Itinatag ang WTA noong 1993 para kilalanin at parangalan ang kahusayan sa lahat ng key sectors ng travel, tourism at hospitality industries.

Nagsimula ang botohan para sa iba’t iabng kategorya sa 2023 WTA nitong Lunes, Pebrero20, at matatapos sa Marso 19, 2023. RNT/SA