Pinas palpak sa pagsuporta sa comfort women – UN body

Pinas palpak sa pagsuporta sa comfort women – UN body

March 9, 2023 @ 8:57 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pumalya ang pamahalaan ng Pilipinas na magbigay ng tulong kabilang ang reparations, social support at pagkilala sa mga naging “comfort women” noong World War II, ayon sa United Nations Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW).

Ang pahayag na ito ng komite ay inilabas nitong Miyerkules, Marso 8 kasabay ng International Women’s Day.

Sa landmark decision, sinabi ng komite na dapat balikan ng pamahalaan ng Pilipinas ang pangako nito na international community na tulungan ang mga comfort women.

Ang comfort women ay katagang ginagamit para sa mga kababaihang pwersahang isinailalim sa sexual slavery ng mga sundalong Hapon noong World War II.

Ayon pa sa Komite, pumalpak ang pamahalaan sa obligasyon nito sa kabila ng “extreme severity of the acts of gender-based violence to which [they] were subjected and their right not to be continuously discriminated against and to obtain restitution, compensation, and rehabilitation.”

Ang desisyon na ito ay tugon sa kasong inihain noong 2019 ng grupo ng mga Filipino comfort women.

“Given the absence of any possibility of enforcing their rights as fully as possible, the Committee concludes that the State party has breached its obligations under articles 1 and 2 (b) and (c) of the Convention,” dagdag pa.

Ang desisyon ay ayon sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women New York na in-adopt noong Disyembre 18, 1979.

Sa desisyon, hinihiling ng komite sa pamahalaan ng Pilipinas “to provide the victims full reparation, including recognition and redress, an official apology and material and moral damages.”

Pinabubuo rin nito ang pamahalaan ng state-sanctioned fund upang magbigay kompensasyon sa mga biktima, at gumawa ng memorial upang mapreserba ang Bahay ng Pula (Red House) sa San Ildefonso, Bulacan, kung saan ikinulong, inabuso at tinorture pa ang mga kababaihan ng mga sundalong Hapon noong 1944.

Inirerekomenda rin nito ang pagsama sa curriculum ang kasaysayan ng mga biktima ng sexual slavery noong panahon ng giyera, “as remembrance is critical to a sensitive understanding of the history of human rights violations endured by these women, to emphasize the importance of advancing human rights, and to avoid recurrence.”

“This is a symbolic moment of victory for these victims who were previously silenced, ignored, written off and erased from history in the Philippines,” pahayag ni committee member Marion Bethel. RNT/JGC