Pinas, patuloy sa pagprotesta sa iligal na presensya ng Tsina sa WPS

Pinas, patuloy sa pagprotesta sa iligal na presensya ng Tsina sa WPS

February 28, 2023 @ 10:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa iligal na presensiya ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa Tsina, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

ā€œThe Philippines continues to protest China’s persistent and illegal presence in the Philippine waters, including those near Ayungin Shoal,ā€ ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma. Teresita Daza.

Nauna rito, hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang DFA na magsulong ng updated security agreements sa iba’t ibang bansa na makakatulong sa pagtatanggol sa Pilipinas mula sa patuloy na pananalakay ng China.

ā€œKailangan nating gamitin ang lahat ng posibleng paraan para ipagtanggol ang Pilipinas mula sa mapangahas na aksyon ng China. Magsisilbing defensive framework ang security agreement na magbibigay-daan sa joint patrols at pagsasanay ng ating militar. Bahagi ito ng paghahanda sakaling lumala ang tensyon,ā€ sabi ni Hontiveros.

ā€œAraw-araw na ang pang-haharass at pambubully ng Tsina sa ating mga mangingisda at mga coast guard. We cannot do nothing,ā€ dagdag pa niya.

Sa isang security conference sa Germany, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na nangyayari araw-araw ang panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng coast guard. Nanawagan siya sa United Nations na tulungang itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagtataguyod ng UNCLOS at pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga karagatan. Kris Jose