Pinas, patungo na sa golden rice commercialization

Pinas, patungo na sa golden rice commercialization

May 12, 2022 @ 7:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang pagpapalabas ng kauna-unahang engineered at nutrition-rich golden rice ang nakikita bilang isa sa huling legacy ng administrasyong Duterte bago pa ito magtapos sa Hunyo.

Sa isang virtual presser, tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar ang positive development, araw ng Martes, habang target ng ahensiya ang commercialization nito kasunod ng kickoff sa Nueva Ecija, noong nakaraang Mayo 6.

“Ang Pilipinas is leading the way in terms of development, commercialization of golden rice. This is one legacy that we can say, be very important in terms of, again, ensuring food and nutrition in the country,” ayon kay Dar.

Gayunman, sinabi naman ni DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na may ilang bansa ang nagpahayag ng kanilang interest na sundan ang naging pagkilos ng PIlipinas.

“Ito po kauna-unahan sa buong mundo dito tayo sa golden rice. In fact ‘yung ibang countries, ‘yung Bangladesh gusto nang makipag, manghiram sa atin,” ayon kay Reyes.

Mahigpit namang nakikipagtulungan ang DA sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at Central Luzon State University upang matiyak na makakayanan nitong matupad ang produksyon nito, matapos ang paglulunsad ng seed turnover.

Samantala, sa naunang pahayag naman ni Dar, binigyang diin nito kung paano ang commercializing golden rice ay makatutulong na i-promote ang kagalingan ng mga filipino.

“This is another breakthrough that we must introduce especially in areas that are experiencing vitamin A deficiency,” anito.

Ayon sa PhilRice, ang production at commercialization ng golden rice ay naglalayong tugunan ang Vitamin A deficiency (VAD), matapos na sumailalim ito sa pamamaraan gamit ang modern biotechnology.

“Golden Rice is a new type of rice with a significant amount of beta carotene in its grains, which when regularly consumed as a staple can provide at least 30 percent of the estimated average requirement for Vitamin A. This beta carotene, similar to what is found in orange-colored fruits and vegetables, is converted to vitamin A as needed by the body,” anito.

Bukod sa golden rice kickoff, iginiit ng DA na “the country has been continuously increasing its rice production, encouraging the public that an even higher rice sufficiency is possible, given a sound prioritization and effective irrigation system.”

Sinabi rin ng departamento na ang Rice Tariffication Law ay naging game-changer sa Philippine Agriculture. Kris Jose