Pinas pinakamaraming COVID-19 testing sa Asya – NTF

Pinas pinakamaraming COVID-19 testing sa Asya – NTF

August 6, 2020 @ 7:45 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinakamaraing naisagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests araw-araw sa buwan ng Hunyo ang Pilipinas sa Asya, batay kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) deputy implementer at testing czar Vince Dizon.

Sa datos ng “Our World in Data,” sinabi ni Dizon na mas marai nang dalawang beses ang nagawang COVID-19 test ng Pilipinas kaysa sa Japan na may 15,115 noong nakaraang buwan.

“In March, we were testing 500 tests per day and now we’re up to around 35,000 but we’re not stopping there,” ani Dizon.

“We are now among the countries that test the most in Asia. We are double that of Japan already, in tests per day, and far outpacing the other countries in Asia.”

“The Department of Health is constantly pushing to test more especially now that there’s a resurgence in cases in the National Capital Region and some areas in CALABARZON,” dagdag pa nito.

Sa huling linggo ng July, naisagawa naman ng bansa ang 30,000 testing araw-araw.

Paliwanag ni Dizon, target ngayon na masuri ang dalawang milyong Pinoy sa buwan ng Agosto.

“We have to push testing especially in areas with high prevalence of COVID-19,” lahad pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...