Pinas pumangpito 2022 Global Impunity Index

Pinas pumangpito 2022 Global Impunity Index

November 3, 2022 @ 9:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines-  Nananatili ang Pilipinas sa pwesto nito bilang ika-pitong “worst country” sa pag-usig sa mga mamamahayag, ayon sa pinakabagong ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ).

Sa 2022 Global Impunity Index na ipinalabas nitong Martes, sinabi ng New York-based media watchdog na mayroong pang 14 unsolved media killings sa bansa.

Binanggit din ng CPJ ang slay case ng veteran broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa kamakailan.

“The election of President Ferdinand Marcos Jr. brought hope of a shift away from outgoing President Rodrigo Duterte’s campaign of intimidation and harassment of the press,” pahayag ng CPJ.

“However, the murders of two radio commentators — Percival Mabasa, a vocal critic of Duterte and Marcos Jr., and Renato Blanco, who reported on local politics and corruption — since Marcos Jr. took office in late June raised fears that the culture of violence and impunity will endure,” dagdag nito.

Nangunguna naman ang Somalia sa index. Kabilang naman ang Syria, South Sudan, Afghanistan, at Iraq sa top five.

Para sa listahan ngayong taon, sinuri ng CPJ ang mga pagpatay sa pagitan ng Sept. 1, 2012 at Aug. 31, 2022 na nananatiling hindi pa nalulutas. RNT/SA