Pinas re-elected bilang miyembro ng IMO Council

Pinas re-elected bilang miyembro ng IMO Council

December 12, 2021 @ 11:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Magkakaroon pa ng isang termino ang Pilipinas bilang miyembro ng International Maritime Organization (IMO) Council sa ilalim ng Category C para sa Biennium 2022 to 2023, sa eleksyon na isinagawa sa London nitong Biyernes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado.

Isinagawa ang eleksyon sa 32nd session ng IMO Assembly sa IMO Headquarters.

Kasunod ito ng eleksyon noong Disyembre 6  ng Philippine Ambassador at Permanent Representative to the IMO Antonio Lagdameo bilang presidente ng 32nd IMO Assembly, ang pinakaunang Pilipino na humawak ng naturang pwesto.

Sinabi ni Lagdameo, pinuno ng Philippine delegation, na magandang oportunidad ang re-election ng Pilipinas sa IMO Council kasunod ng pagkakaroon ng World Maritime Theme na Seafarers at the core of shipping’s future, dahil ang bansa ay major seafaring nation. Kasama sa delegasyon ang mga opisyal mula sa DFA, Maritime Industry Authority (Marina), Philippine Coast Guard, at Office of Transportation Security.

“It is time to work for all the Filipino seafarers around the world. We have a big voice, a powerful voice, guardians in the IMO,” sabi ni Marina administrator Vice Admiral Robert Empedrad.

Ayon sa DFA, ang Council ang executive organ ng organisasyon at  gumagabay sa IMO.

Narito ang mga bansang nahalal sa IMO Council:

Category A (10 bansa na may pinakamalaking interes sa pagbibigay ng international shipping services): China, Greece, Italy, Japan. Norway, Panama, Republic of Korea, the Russian Federation, the United Kingdom at United States.

Category B (10 bansa a may pinakamalaking interes sa international seaborne trade): Australia, Brazil, Canada, France, Germany, India, the Netherlands, Spain, Sweden at United Arab Emirates.

Category C (20 bansa na may espesyal na interes sa maritime transport o navigation): Bahamas, Belgium, Chile, Cyprus. Denmark, Egypt, Indonesia, Jamaica, Kenya, Malaysia, Malta, Mexico, Morocco, Philippines, Qatar, Saudi Arabia, Thailand, Turkey at Vanuatu. RNT/SA