Pinas sa UN : Pagtulong sa ‘least developed countries’ pag-ibayuhin

Pinas sa UN : Pagtulong sa ‘least developed countries’ pag-ibayuhin

March 16, 2023 @ 10:39 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Umapela ang Pilipinas sa donor countries ng United Nations “to redouble their efforts” at tuparin ang kanilang mga  pangako para sa “least developed countries” pagdating sa “debt structuring, debt relief, at financing for development.”

Ang apela na ito ni Department of Foreign Affairs Undersecretary for Multilateral and International Economic Relations Carlos Sorreta  ay matapos na magpahayag ng pakikiisa ang Pilipinas, isang middle-income country sa “least developed ones.”

Sa isinagawang UN Conference on the Least Developed Countries (LDC5) sa Doha, sinabi ni Sorreta na ang  LDCs ay “where the battle to achieve the Sustainable Development Goals (SDGs) must be won to attain the future that we all want.”

Sa kasalukuyan,  mayroong 46 LDCs.

Ang UN Conferences on LDCs  ay isinasagawa  isang beses sa kada 10 taon upang suportahan ang pagtatapos ng  lahat ng LDCs sa  middle-income country status.

“Only by uplifting LDCs towards irreversible graduation will we see true people-centered prosperity and sustainable development take hold,”  ani Sorreta.

Pinagtibay din ni Sorreta ang suporta ng Pilipinas sa kinalabasan ng “first and succeeding United Nations Conference on the LDC/ at ng “Doha Programme of Action (DPoA)” para sa LDCs, isang  blueprint na magbibigay sa  LDCs ng  kinakailangan na suporta nito para sa development.

Ini-adopt naman ng LDC5 Conference  ang  Political Declaration para suportahan ang implementasyon ng  DPoA.

Tinukoy ang mahalagang papel ng Pilipinas at iba pang  middle-income countries (MICs) para sa kabuuang pagpapatupad o pagkasa ng  plan of action.

“MICs share comparable experiences and can provide LDCs with financial resources, knowledge, expertise, and technology that can enable LDCs to build productive capacities, diversify their economies, and develop human and social capital,”  ang wika ni Sorreta.

Ipinahayag naman ni Sorreta ang hangarin ng Pilipinas na palawigin ang “cooperation initiatives” sa  LDCs sa uri ng “technical cooperation, scholarships, at capacity-building” sa pamamagitan ng South-South at Triangular Cooperation.

“Since the first UN Conference on LDCs in 1981, the Philippines has actively advocated for the interests of LDCs,” ayon sa  DFA. Kris Jose