Pinas swak sa ‘most generous countries in 2021’ –  World Giving Index

Pinas swak sa ‘most generous countries in 2021’ –  World Giving Index

October 15, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naaalala n’yo pa ba kung paano naging inspirasyon ang Maginhawa Community Pantry sa mga Pilipino na tumulong sa milyong indibidwal na apektado ng health and economic crises dulot ng COVID-19?

Taong 2021 nang simulan ni  Ana Patricia Non ang bayanihan para sa mga Pilipino na pinakaapektado ng pandemya kung saan naglagay siya ng bamboo cart sa Quezon City kung saan sinuman ay maaaring kumuha o magbigay ng tulong.

Batay sa coalition 1Sambayan, libo-libong community pantries ang nagpakita ng kabaitan ng mga Pilipino: “This is the Filipino people saving the Filipino people.”

Gayundin, sinabi ni dating Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas na ang inisyatiba ay isang malinaw na pagpapakita ng pagnanais ng mga Pilipino na makatulong. “It’s a very good way of spreading generosity and bayanihan,” he said.

Swak din ito sa World Giving Index (WGI), na nagpapakita ng “insights into the giving landscape all over the world as we emerged from the initial stages of the pandemic and began to live with COVID-19 in 2021.”

Base sa Charities Aid Foundation (CAF)-initiated WGI, na sumusuri sa “extent of giving” noong nakaraang taon, ang Pilipinas na may puntos na 47 percent, ay ika-20 sa 119 bansa na pasok sa listahan.

Inihayag ng CAF na ito ay mula sa 65th noong 2020, 33rd noong 2018, 89th noong 2017, 54th noong 2016, 47th noong 2015, 46th noong 2014, at 30th noong 2013. Noong 2011 at 2012, the ang bansa ay 17th at 16th sa WGI. RNT/SA