Pinas target bumili ng submarine mula sa France

Pinas target bumili ng submarine mula sa France

September 15, 2022 @ 10:56 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines — Nakikipag-usap ang French government sa Marcos administration ukol sa potensyal na pagbili ng unang submarine ng Pilipinas, ayon kay French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz sa isang press briefing sa Mandaluyong nitong Miyerkules.

Sinabi ni Boccoz na tinalakay ang pagbili sa submarine, kabilang ang iba pang isyu sa pulong kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“There is an ongoing discussion. There is a tender and there’s been a proposal. This is a normal discussion,” tugon ni Boccoz nang tanungin kung may naghayag ng commitment si Marcos sa pagbili ng submarines.

Sa nakaraang administrasyon, sinabi ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na target ng Pilipina na bumili ng French-made submarines. Aniya, mayroon umanong bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa upang ihanda ang Pilipinas kapag mayroon na itong sariling submarine.

Sinimulan na rin ng Philippine Navy na magpadala ng tauhan sa France para sa pagsasanay bago ang procurement ng submarines.

Ang Pilipinas ay isang archipelago na mayroong isa sa longest coastlines sa mundo at territorial disputes sa mga karatog-bansa. Subalit, napag-iiwanan ito sa submarine race sa iba pang bansa sa Southeast Asia.

Sa kasalukuyan, ang Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Singapore ay mayroong sariling submarines. RNT/SA