Pinas tatanggap na ng dayuhang fully vaccinated na may visa-free privileges

Pinas tatanggap na ng dayuhang fully vaccinated na may visa-free privileges

November 26, 2021 @ 1:48 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Nakahanda na ang gobyerno na tumanggap ng mga dayuhang turista simula sa Disyembre 1.

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, may polisiya na silang naihanda para sa pagdating ng mga dayuhan mula sa green list countries.

 

Iyon nga lamang ay may ilang kondisyon na dapat na sundin ng mga dayuhang tutungo sa Pilipinas kabilang na ang pagkakaroon nito ng outbound ticket pabalik sa kanilang bansa o next country of destination bukod sa dapat silang holder ng passport valid ng di bababa sa anim na buwan.

 

Kailangan din aniyang makapag- presinta ang mga ito ng WHO intl certificates of vaccination o digital certificate of the foreign government na tanggap ang VaxcertPH sa ilalim ng reciprocal arrangement.

 

Giit ni Nograles na nais nilang unti- untiin at huwag biglain kaya’t nagpasiya sila na hanggang december 15 na lang muna ang gagawing pagtanggap ng mga dayuhang turista.

 

Sinabi ni Nograles na imomonitor nila ang magiging takbo nito at mula duon ay kanilang dedeterminahin kung ie- extend ang pagtanggap ng mga dayuhan papasok ng bansa. Kris Jose