Pinas, UK magdadayologo ukol sa pagkamit ng Paris agreement

Pinas, UK magdadayologo ukol sa pagkamit ng Paris agreement

February 9, 2022 @ 6:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Makikiisa ang Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction (CCAM-DRR) na pinamumunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa gaganaping 2nd United Kingdom-Philippines Climate Change and Environment Dialogue sa darating na Pebrero 10, 2022.

Sa ulat ni CCAM-DRR Cabinet Cluster chairperson at DENR Secretary Roy Cimatu, ang ikalawang diyalogo ay magiging krusyal para sa Pilipinas dahil nakatutok ito sa pangako na ginawa sa 26th United Nations Climate Change Conference (COP26) sa Glasgow, Scotland noong Nobyembre 2021.

“Climate change has been a necessary topic for the Philippines, especially that every year, the country experiences harsh weather conditions such as the devastation of typhoon Odette,” ani Cimatu.

Kaugnay nito ang unang diyalogo ay ginanap upang matutukan ang mga prayoridad sa climate at environment ng Pilipnas at UK.

Tinutukan din dito ang energy transition at nature-based solutions at adaptation.

Samantala, sa ikalawang diyalogo ay tututukan ang mga oportunidad para magkaroon ng progreso ang mga ginawa at mapagkasunduan ang mga prayoridad sa hinaharap at maging ang work plans.

Ayon naman sa napagkasunduan sa unang diyalogo sa COP26, ang UK at Pilipinas ay tututukan ang four strategic objectives para sa 2022.

Kabilang dito ang: “build the resilience of the economy, ecosystems and communities in the context of climate change; establish a development pathway towards net-zero; mobilize sustainable finance and greening the financial sector; and strengthen collaboration and increase awareness of institutions and communities in tackling climate change.”

Ayon naman kay DENR Undersecretary for Finance, Information Systems and Climate Change Atty. Analiza Rebuelta-Teh, ang diyalogong ito ay magsisilbing “platform to facilitate discussion on climate change and environment priorities between the UK and Philippine governments.”

“This dialogue is also an opportunity to take stock of progress made and agree on future priorities and work plan,” sabi ni Rebuelta-Teh.

Dagdag pa nito na ang diyalogo rin ay magbibigay daan “ or the Philippines to sustain the goal of 1.5 degrees Celsius and abide by the pledges made during the Paris Agreement which was reiterated by 200 parties on the Glasgow Climate Pact during the COP26.” Santi Celario