Pinas wala nang pera sa panibagong cash, food aid ngayong ECQ

Pinas wala nang pera sa panibagong cash, food aid ngayong ECQ

August 3, 2020 @ 9:13 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pumiyok si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala ng pera ang Pilipinas para sa financial assistance para sa mga mahihirap.

Kung mayroon man aniyang ipon ang bansa ay para sa “ambon na lamang at hindi sapat para sa panahon ng tag-ulan”.

Umamin si Pangulong Duterte na hindi na kayang pondohan ng pamahalaan ang pagkain at makapagbigay ng financial assistance sa mga tinamaan ng lockdown.

“I’m sorry Manila, ngayon magsabi kayo i-lockdown mo na ang Manila, ang ibang lugar, kahit Philippines, para talagang mahawa—wala ka nang mahawaan, wala ka nang mahawa,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Linggo ng gabi, Agosto 2.

“Problem is wala na tayong pera. I cannot give food anymore and money to people,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi dapat ikinukumpara ang Pilipinas sa ibang bansa lalo pa’t wala naman itong sapat na ipon.

“Unang una, wala nang makain. Iilan lang ang tao talaga na may savings for a rainy day, while our savings is just good for a drizzle,” aniya pa rin.

“Ambon lang, ibang preparation an for a typhoon. Hindi tayo mayaman,” giit ng Pangulo.

Matatandaang, noong nakaraang buwan ay sinabi ng Pangulo na malaki ang posibilidad na magbenta siya ng assets o ari-arian ng bansa para makalikom ng pondo pambili ng bakuna laban sa COVID-19 sa oras na maging available na ito.

“If there is a thing that develops which is really good for you, mauna ako. Mag-utang ako. Magpabili ako kung saan puwede magpabili ng lupa. Ibili ko ng medicine, aniya pa rin.

Buwan naman ng Abril nang sabihin ng Pangulo na kinukunsidera niya na magbenta ng Philippine’s assets kapag ang pondo sa paglaban sa nasabing sakit ay nasaid na.

Kamakailan ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na handa ang Pangulo na magbenta ng assets para matiyak na may pambayad ang bansa sa pagbili ng bakuna. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...