Pinasinayaang catering area sa Malacanang, aksaya sa pera-Gabriela

Pinasinayaang catering area sa Malacanang, aksaya sa pera-Gabriela

September 20, 2022 @ 11:50 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Malinaw na pag-aaksaya ng taxpayers money ang bagong catering area sa Malacañang, ayon sa Gabriela Partylist.

Sinabi ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas nakalulungkot na walang pondo para sa pagpapatayo ng mga eskuwelahan subalit mabilis na nakapaglalaan ng pondo para sa pagpapatayo lamang ng catering area.

“This is peak insensitive and a waste of people’s money,” pahayag ni Brosas.

Sa isang Facebook post sa social media page ni First Lady Liza Araneta-Marcos ay ipinakita ang litrato ng groundbreaking para sa catering area sa Malacanang.

Giit ni Brosas ang ganitong mga hakbang ay pagpapatunay lamang ng pagkakaroon ng magarbong pamumuhay ng First Family kung saan pinuna din ng mambabatas ang pagkakaroon ng  “extravagant parties,”  ng Marcos administration mula nang mabalik sa Malacanang ito ay sa kabila ng maraming Pinoy ang hirap sa buhay dala ng pandemic. Gail Mendoza