“PinasLakas” booster campaign, ilulunsad ng DOH, PBBM sa Hulyo 26

“PinasLakas” booster campaign, ilulunsad ng DOH, PBBM sa Hulyo 26

July 20, 2022 @ 2:46 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Opisyal na ilulunsad sa Hulyo 26 ng Department of Health (DOH) ang ‘Pinaslakas’ o ang booster campaign kasama si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang Local Government Units (LGUs).

Sa kauna-unahang face-to-face media forum na isinagawa sa tanggapan ng DOH, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na layon nitong mabakunahan ang 90% ng target population ng senior citizen o A2.

Gayundin upang mabigyan ng booster ang 50% ng target population sa ika-100 araw ng bagong administrasyon.

Ayon kay Vergeire, gagawing available ang pagbabakuna sa mga palengke, lugar ng trabaho, eskwelahan, transport terminals, at iba pa.

Kaugnay nito hinikayat ni Vergeire ang publiko na maging bahagi ng “Pinaslakas” campaign sa pamamagitan ng pagpapabakuna o booster shots para sa mas lumakas ang immunity. Jocelyn Tabangcura-Domenden