PinasLakas ng DOH dinala sa Korte Suprema

PinasLakas ng DOH dinala sa Korte Suprema

August 15, 2022 @ 2:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang lahat ng opisyal at kawani mg hudikatura na samantalahin ang libreng bakuna na ibinibigay ng pamahalan.

Sa kaniyang talumpati sa pagluulnsad ng PinasLakas vaccination drive sa SC courtyard, pinasalamatan nito si Department of Health OIC Rosario Vergeire sa mga libreng bakuna at booster shots hindi lamang sa mga empleyado ng korte kundi maging sa pamilya ng mga ito.

Hindi aniya maratawaran ang Pinaslakas vaccination drive ng pamahalaan dahil mahalaga ito upang magampanan ng hudikatura ang tungkulin nito ngayong panahon ng krisis.

Una nang inilunsad ang ang Pinaslakas drive noong Hulyo 26,2022 na mas pinalawig na bersyon ng booster vaccination campaign ng kasalukuyang administrasyon.

Sa kasalukuyan ay 96% ng mga tauhan ng hudikatura ay maituturing na fully vaccinated. Teresa Tavares