Pinatay na si Vice Mayor Lubigan, wala sa drug list—PNP

Pinatay na si Vice Mayor Lubigan, wala sa drug list—PNP

July 8, 2018 @ 3:01 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi kasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaslang na si Trece Martirez, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.

Sa follow up investigation ng pulisya, sinabi ni Police Sr. Supt. Benigno Durana Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na ang listahan ng mga narco politicians ay dynamic at maaaring mabago pa ito.

Dagdag pa ni Durana na ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa iligal na kalakalan ng droga ay nasa kamay ng Department of Interior and Local Government (DILG) at patuloy pa na nadadagdagan dahil sa mga impormasyon na nakukuha mula sa mapagkakatiwalaang sources.

Una ng iniuugnay ang pulitika sa pagpaslang kay Lubigan at sa driver/close in security nito na si Romulo Guillemer.

Ayon kay Durana, lalawakan pa ng PNP ang imbestigasyon para matukoy ang tunay na motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Lubigan.

Sinabi pa ng opisyal na dahil palapit na ang panahon ng eleksyon, asahan nang iinit pa ang labanan sa pulitika. (Jeff Gallos)