Pinay, 3 anak patay sa Turkey quake

Pinay, 3 anak patay sa Turkey quake

February 20, 2023 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natagpuang patay ang isang Pilipina at tatlo niyang anak na naiulat na nawala dahil sa lindol sa Turkey noong Pebrero 6, ayon sa Philippine Embassy sa Turkey nitong Linggo.

“It is with deepest regret that the Embassy must confirm the passing of a Filipina housewife and her three children, previously reported to be missing under the rubble in Antakya. She and her children have been laid to rest by her Turkish husband, in accordance with Turkish tradition,” pahayag ng embahada.

“The Embassy and the entire Department of Foreign Affairs express their deepest condolences for this tragedy.”

Sinabi pa ng embahada na nasa pangangalaga nito sa kasalukuyan ang mahigit 20 pamilya, na binubuo ng 70 indibidwal kabilang ang overseas Filipinos, mga bata, mga asawang Turkish, at senior citizens. 

Sinabi rin nito na pinapaspasan na nito ang aksyon para mapauwi ang mga Pilipino nais nang bumalik sa Pilipinas, naasistihan ang mahigit 70 Pilipino na piniling manatili sa Turkey.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng mahigit 46,000 indibidwal na namatay sa 7.8-magnitude earthquake sa Turkey at Syria noong Pebrero 6. RNT/SA