Pinay bowling legend, bagong sports commissioner

Pinay bowling legend, bagong sports commissioner

July 20, 2022 @ 11:03 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga si Filipina bowling legend Olivia “Bong” Coo ng Philippine Sports Commission bilang isa sa apat na commissioner para sa bagong administrasyon.

Inanunsyo ng government sports agency ang development nitong Martes, kung saan malugod na tinanggap si Coo ni executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Bilang isang atleta, labis na ipinagmamalaki ni Coo ang bansa matapos manalo ng ilang medalya sa iba’t ibang paligsahan kabilang ang limang ginto, dalawang pilak, at tatlong tanso sa Asian Games gayundin ang walong gintong medalya sa SEA Games.

Ang 74-anyos na si Coo ay namuno rin sa 14 na edisyon ng Asian Championships mula 1970 hanggang 1992.

Pagkatapos ng appointment ni Coo, magpapangalan pa rin ang PSC ng isang chairman at tatlong commissioner. RNT