Pinay DH nawawala pa rin sa Beirut

Pinay DH nawawala pa rin sa Beirut

August 6, 2020 @ 5:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nawawala pa rin ang isang Pinay domestic helper sa naganap na Beirut blast noong Agosto 4, ayon sa Philippine Embassy ng nasabing lugar.

Ayon kay Charge d’affaires Ajeet Panemanglor, sinuyod na nila ang lahat ng ospital sa kabisera ng Lebanon para lang mahanap ang nasabing Pinay na nasa kanyang trabaho ng maganap ang pagsabog.

“Ginagawa namin ang lahat para malaman kung nasaan siya ngayon, ang team ng Embassy ay patuloy na naghahanap, kinokontak po namin ang lahat ng ospital para malaman namin kung siya ay admitted sa isa sa mga ito,” ani Panemanglor.

Sa kabila nito, nahanap naman na ang lahat ng 11 seafarers na napaulat na nawawala at lahat naman ay buhay kung saan kasalukuyan silang tumutuloy sa isang hotel na inihanda ng embahada.

“Dinalaw po namin sila kahapon ang most po sa kanila ay nasa maayos na kalagayan although karamihan sa kanila ay bugbog at may pasa at sugat. Iyong dalawang kababaihan ay nasa ospital para sa karagdagang medical assistance at kami rin po sa embassy dinala namin ang isa sa mga lalaking seafarer para sa checkup,” pahayag ni Panemanglor.

Sugatan naman ang dalawa sa mga seafearer dahilan para umabot na sa kabuuang 24 Pinoy ang injured sa kambal na pagsabog sa Beirut habang dalawang domestic helper naman ang namatay sa nasabing insidente.

Ayon pa kay Panemanglor, sasagutin na ng pamahalaan ng Pilipinas ang bayarin sa repatriation ng kanilang mga labi at pagpoproseso sa kanilang mga papeles sakaling bumalik na sa operasyon ang mga opisan ng gobyerno. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...