Pinay kabilang sa 4 Ramon Magsaysay awardees

Pinay kabilang sa 4 Ramon Magsaysay awardees

August 31, 2022 @ 4:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kabilang ang isang Pilipinang doktor at tagapagsulong ng children rights sa apat na recipients ng Ramon Magsaysay Awards para sa taong ito, na itinuturing na Asia’s Nobel Prize.

Iginawad kay Bernadette J. Madrid, 64, ang karangalan “for her admirable commitment in championing the rights of the most vulnerable,” base sa anunsyo ng Ramon Magsaysay Foundation nitong Miyerkules.

Kinilala ng foundation ang “transformative work” ni Madrid sa pagsusulong ng child protection sa health infrastructure sa Pilipinas.

Si Madrid ay nasa forefront din ng pagbibigay ng medical, legal, at psychosocial caresa mga bata at kababaihan na biktima ng abuso.

Nagtapos sa University of the Philippines College of Medicine, pinamunuan ni Madrid ang Philippine General Hospital’s Child Protection Unit mula 1997. Nagtuturo siya ng Pediatrics fsa loob ng dalawang dekada sa UP Manila.

Si Madrid din ang unang presidente ng Philippine Ambulatory Pediatric Association aat nahalal na executive council ng International Society for the Prevention of Child Abuse and Neglect mula 2004 hanggang 2010. 

Bago matanggap ang Ramon Magsaysay award, nakatanggap na si Madrid reng iba’t ibang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa children’s protection and rights.

Kinilala siya bilang Most Outstanding Pediatrician of 2021 ng Philippine Pediatric Society Inc. sa pagiging “true embodiment of a 5-star physician – a compassionate clinician, a committed educator, a passionate leader, a prolific researcher, and a dedicated advocate and social mobilizer.”

Iginawad din sa kanya ang Most Influential Filipina in the World Award (Pioneer and Founder Category) ng Filipina Women’s Network noong 2019 sa Paris, France.

Nakapaglathala na si Madrid ng ilang artikulo sa local at international peer-reviewed journals, mga kabanata sa mga aklat at manuals, maging pag-aaral sa child protection “that have contributed to changes in policy and practice in the Philippines,” base sa Child Protection Network Foundation, Inc., kung saan siya nanunungkulan bilang executive director. RNT