Pinay lola hanap ng Disney sa gagawing pelikula

Pinay lola hanap ng Disney sa gagawing pelikula

January 8, 2021 @ 8:04 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Mga lolang mahilig umarte, baka ito na ang hinihinaty niyong oportunidad!

Naghahanap kasi ang Walt Disney Studios ng isang Filipino o Filipino-American na lola na gaganap sa gagawing pelikula.

Sa ipinost na casting call ng kilalang director Sarah Finn, siya ay naghahanap ng babaeng nasa 50 hanggang 90-anyos na kayang umarte.

“Katie Doyle Casting, Hawaii is assisting Sarah Finn Casting (Avengers: Endgame, The Mandalorian, Guardians of the Galaxy) in looking for an actress to play a role in an upcoming Walt Disney Studios film,” saad sa post. “We highly encourage performers who are Filipino or of Filipino descent to apply.”

Ayon sa post, kahit hindi naman kinakailangan na may acting experience, kinakailangang bihasa sa wikang Ingles, at kayang makabyahe papuntang Atlanta, Georgia ng aplikante dahil doon gagawin ang pelikula.

Kinakailangan ding otorisadong magtrabaho sa US ang aplikante.

 “This role is shooting for a few days in mid-February 2021 in Atlanta, Georgia,” it said. “We will be reviewing videos the first week of January and will email anyone we’d like to invite to audition!”

Hindi pa nasasabi ang titulo ng pelikula at iba pang detalye. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...