Pinay nasa Pot 1 ng Olympic qualifier draw

Pinay nasa Pot 1 ng Olympic qualifier draw

January 10, 2023 @ 10:49 AM 2 weeks ago


MANILA – Nasa tamang landas ang Philippine women’s football team upang malusutan ang unang round ng Paris Olympic qualifiers ngayong Abril.

Nasa ika-53 na pwesto sa mundo at ika-11 sa Asya, ang Filipinas ay nalagay sa Pot 1 ng paparating na group draw sa Huwebes sa Asian Football Confederation headquarters sa Kuala Lumpur kasama ang Vietnam, Chinese Taipei, Thailand, Myanmar, Uzbekistan at India.

Nasa Pot 2 ang Iran, Jordan, Hong Kong, Indonesia, Nepal, Kyrgyzstan at Mongolia habang ang Pot 3 ay binubuo ng Palestine, Singapore, Turkmenistan, Bangladesh, Lebanon, Tajikistan at Timor Leste.

Binubuo naman ang  huling pot, Pot 4, ng Sri Lanka, Maldives, Pakistan, Bhutan at ang unranked squad na Afghanistan.

Kasama ang FIFA Women’s World Cup-bound Filipinas sa Pot 1, inaasahang mangunguna sila sa grupong kanilang sasalihan sa unang round ng Olympic qualifiers mula Abril 3-11.

Sasali sa mga directing second-round qualifier na North Korea, Japan, Australia, China at South Korea  sa susunod na yugto ng Road to Paris ang mangungunang koponan mula sa bawat isa sa pitong first-round na grupo.

Hahatiin ang 12 second-round na koponan  sa tatlong grupo ng apat, at ang nangungunang koponan mula sa bawat grupo kasama ang pinakamahusay na pangalawang puwesto ay magtatalo sa dalawang Olympic spot sa dalawang home-and-away playoff series.

Kilala ang koponan sa dating tawag na “Malditas,” sila ay nakapasok sa ikalawang round ng Tokyo Olympic qualifiers ngunit nabigong makapasok sa Final 4 matapos yumuko sa Chinese Taipei sa kanilang huling laban sa nasabing round.

Reresbak ang Pinay kontra  sa Chinese Taipei sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup upang masungkit ang kanilang unang pagharap sa FIFA WWC.JC