Pinay natagpuang patay sa hotel sa NYC

Pinay natagpuang patay sa hotel sa NYC

January 27, 2023 @ 10:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay sa loob ng room ng isang hotel sa New York City ang isang Pinay sa ulat ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes, Enero 27.

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, nabatid ng Philippine Consulate General sa New York ang ulat na mayroong natagpuang katawan sa isang hotel sa lungsod na ipinaabot ng Office of the Chief Examiner.

Sa ngayon ay hindi pa alam kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng Pinay.

Samantala, naipagbigay-alam na sa pamilya ng biktima ang nangyari kasabay ng tulong na ibibigay ng pamahalaan sa mga ito. RNT/JGC