Pinay OFW na sinunog sa Kuwait, ginahasa, nabuntis ng menor na amo

Pinay OFW na sinunog sa Kuwait, ginahasa, nabuntis ng menor na amo

January 25, 2023 @ 11:07 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ginahasa at nabuntis pa ng 17 anyos na anak ng employer ang sinunog at itinapon sa gitna ng disyerto na Pinay domestic workers sa Kuwait.

Ito ay batay na rin sa ulat mula sa Kuwait media matapos na umamin ang suspek sa pagpatay kay Julleebee Ranara.

Sa privileged speech ni Senator Jonggoy Estrada, sinabi niya na dapat humarap sa Korte ang suspek  at huwag makawalan hanggat siya ay mahatulan.

Ang OFW ayon sa senador ay binugbog, nasagasaan ng kotse ng salarin ng dalawang beses, at sinunog at iniwan na patay sa disyerto.

“We have seen another tragedy in Kuwait yung nasunog na katawan ng ating kababayan doon, which drives home a point, that we need an employment plan, a very clear long term medium term employment strategy to increase participation of women in the Philippine labor force so that there are very clear alternatives to leaving the country,” sabi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople.

Ang Philippine bassu ay patuloy na na nakikipag-usap sa Kuwaiti government para sa imbestigasyon at agarang repatriation ng bangkay ni Ranara. Jocelyn Tabangcura-Domenden