Pinay OFW patay sa Kuwait

Pinay OFW patay sa Kuwait

March 1, 2023 @ 9:02 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang sampung taon nang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait matapos na madisgrasya.

Base sa nakalap na impormasyon ng kaanak ng biktimang si Menerisa Mesina Aranjuez, 41-anyos, tubong-Cabiao, Nueva Ecija, kasama niya ang isa pang OFW nang mabangga ang kanilang sinasakyan ng isa pang kotse.

Ligtas naman ang isa pang OFW na sugatan, habang hindi sinuwerte si Aranjuez na binawian ng buhay.

Nagsusumamo naman ang anak ng biktima sa gobyerno na matulungan sila para mauwi ang labi ng kanyang ina.

Sinabi naman ni OWWA Regional Director Region III Atty. Falconi Millar na nakipag-ugnayan na sila sa Migrant Workers Office at pinoproseso na rin ang benepisyo na dapat matanggap ng pamilya. RNT