Pinay patay sa sumabog na drug lab ng asawang kano

Pinay patay sa sumabog na drug lab ng asawang kano

February 24, 2023 @ 7:43 AM 4 weeks ago


AMERIKA – Patay ang isang 51-anyos na babaeng Pinoy matapos na sumabog ang isang illegal drug laboratory ng kanyang asawa sa San Francisco, California.

Kinilala ang biktimang si Rita Evelyn Lopez na hindi na nakatakas sa kanilang tahanan na nasunog matapos ang pagsabog.

Napag-alamang si Lopez ay paralisado matapos na ma-stroke.

Samantala, ang kanyang asawang Amerikano na si Baron Price na may-ari ng drug lab ay nakaligtas sa pagsabog at sunog.

Nahaharap siya sa patong-patong na kaso kabilang ang involuntary manslaughter kaugnay ng pagkamatay ni Lopez.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsabog. RNT