Pinay pinatay ng Amerikanong boyfriend sa  Dakota

Pinay pinatay ng Amerikanong boyfriend sa  Dakota

July 14, 2021 @ 1:07 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Patay ang isang Filipina nang barilin ng Amerikanong kasintahan sa NortDakota, USA.

Lumalabas sa imbestigasyon na naisugod pa sa ospital si Arnalene Rapalam ngunit agad ding nasawi habang naaresto naman ang suspek na si Eric Venn.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sa kung ano ang naging motibo ng pamamaril.

Batay sa panig ng mga kaibigan ng biktima, nag-awar ang dalawa bago ang pamamaril at pinlano ni Rapalam na makipaghiwalay sa kanyang boyfriend. RNT/FGDC