Pinay Sambo star Sy kampeon sa Lebanon

Pinay Sambo star Sy kampeon sa Lebanon

June 6, 2022 @ 1:57 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ni Sydney Sy ang gold medal sa women’s +80 kilogram division ng Asian Sambo Championships na ginanap sa Lebanon.

Hiniya ni Sy si Arailym Abenova ng Kazakhstan sa gold medal match upang maiuwi ang karangalan.

Dinurog ng Filipino martial artist si Maksuda Egemberdiyeva ng Turkmenistan sa semifinals para makapasok sa gold-medal bout.

Matatandaang naibulsa ni Sy ang pilak sa kurash sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Isang martial art na binuo  sa Russia ang Sambo habang ang kurash ay isang wrestling discipline mula sa Central Asia.RICO NAVARRO