Pinay senior ninakawan, hinataw sa ulo sa California

Pinay senior ninakawan, hinataw sa ulo sa California

September 1, 2022 @ 7:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang 71-anyos na babaeng Filipino ang inatake at ninakawan sa California sa United States of America.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing ang biktima sa isang fast food nang nanakawan ng suspek.

Hindi pa nakuntento, hinampas pa ng suspek ang biktima ng matigas na bagay sa ulo nito.

Pagkatapos ay tumakas ang suspek sakay ng isang kotse.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan inoobserbahan na ang kanyang kalagayan.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo na naging dahilan din ng pagdurugo ng kanyang utak.

Sinabi ng pulisya na mayroon na silang security footage mula sa lugar kung saan nangyari ang pag-atake. RNT