Pinay spikers 6th place sa AVC Cup

Pinay spikers 6th place sa AVC Cup

August 29, 2022 @ 3:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagkasya ang Team Philippines sa ika-anim na pwesto matapos yumukod sa Chinese Taipei sa sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women.

Hindi pinaporma ng Chinese Taipei ang national team-Creamline sa loob ng tatlong sets, 26-28, 21-25, 21-25, sa labang ginanap sa PhilSports Arena. Medyo nanghina ang mga Pinay nang matalo sila sa unang set.

Bigo na ring makabawi ang mga Pinay sa dalawang sumunod na setd na naging dahilan para malaglag sila sa 6th place ng prestihiyosong torneo.

Kahit natalo sa Chinese Taipei sa labanan para sa 5th place, Β naiposte pa rin ng mga Pinay ang pinakamahusay na pagtatapos ng bansa sa continental showpiece matapos tumapos sa ikasiyam na puwesto sa debut nito noong 2018.RICO NAVARRO