Ping Lacson, nabahala kay Kris Aquino!

Ping Lacson, nabahala kay Kris Aquino!

January 17, 2022 @ 1:15 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Tiyak na ikata-touch ng puso ni Kris Aquino ang tinuran ni senador at presidential aspirant na si Ping Lacson sa kanyang YouTube channel na I-Ping TV.

May isang segment kasi roon called World Association Challenge kung saan hiningan si Ping ng kanyang masasabi patungkol sa mga sikat na local at foreign celebrities.

Kabilang roon si Kris.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang yumaong Kuya Noynoy ni Kris ay matalik na kaibigan ng mambabatas.

Parang tinayming na isinali ang dating Queen of All Media as she has been in the news lately dahil sa kanyang lumalalang health condition.

Ani Ping, “Good luck to her. I wish her the best. She deserves to be happy.”

Nabalita rin kasi ilang linggo na ang nakakaraan na tinapos na ni Kris ang kanyang pakikipagrelasyon kay dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

At presstime, hinihintay ang scheduled US trip ni Kris for a medical emergency.

Reportedly, may ilang well-placed na tao mula sa gobyerno ang willing tumulong kay Kris.

Nakakabahala ang drastic weight loss ni Kris.

Obyus na for now ay hindi muna priority ni Kris ang magkaroon ng lovelife even she so badly needs a father figure to her sons Joshua and Bimby. Ronnie Carrasco III