Ping Remulla nagwagi bilang congressman ng 7th district ng Cavite

Ping Remulla nagwagi bilang congressman ng 7th district ng Cavite

February 26, 2023 @ 10:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – May bago nang kinatawan ang ika-7 distrito ng Cavite.

Ito ay matapos iproklama ngayong umaga, Pebrero 26 si Crispin Diego “Ping” Remulla bilang bagong Congressman ng nasabing distrito sa isinagawang Special Election nitong Sabado, Pebrero 25.

Ang ikapitong distrito ay binubuo ng Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City, Cavite.

Iprinoklama si Remulla sa Cavite Provincial Capitol ni Atty. Mitzele Morales-Castro, Provincial Election Supervisor ng Cavite,  na nakakuha ng kabuuang bilang na 98,474 boto, ang pinakamataas na bilang na boto laban sa kanyang mga katunggali.

Idinaos ang special election upang punan si dating Congressman at ngayo’y Justice Secretary Crispin ‘Boying’ Remulla matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing posisyon.

Nabatid na 42.11 percent lamang o 149,581 sa kabuuang botante ang bumoto sa nasabing special election sa kabuuang 355,164 na rehistradong botante. Jocelyn Tabangcura-Domenden