Pink PNP mobile ng Muntinlupa LGU, ‘di pamumulitika – Biazon

Pink PNP mobile ng Muntinlupa LGU, ‘di pamumulitika – Biazon

October 5, 2022 @ 5:41 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dinepensahan ng alkalde ng Muntinlupa City ang donasyon ng lungsod na pink service car sa Muntinlupa police’s Women and Children Protection Center.

Matatandaan umani ng sari-saring reaksyon mula sa publiko ang pagturn-over ng Muntinlupa City LGU ng walong mobile vehicles, 21 motorcycle units at isang service car na pawang ang mga pintura ay kulay “pink.”

Ikinonekta ng iba ang pink mobile car kay dating vice president Leni Robredo samantala ang iba naman ay umalma dahil tila ba namumulitika umano ang lungsod.

Agaran naman dumipensa ang lokal na pamahalaan sa usaping ito.

“Isa itong dedicated vehicle para sa WCPC natin sa Muntinlupa, at magagamit para sa mas mabilis na pagresponde at pagsuporta sa mga bata at kababaihang nakakaranas ng pang-aabuso,” ani Mayor Ruffy Biazon.

Dagdag niya, “child-friendly” at matagal nang ginagamit sa mga kababaihan at bata ang kulay na pink. RNT/JGC