‘Pink ribbon harrassment’ sinita ni Lorenzana

‘Pink ribbon harrassment’ sinita ni Lorenzana

February 20, 2022 @ 10:10 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Binatikos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sinasabing tila panghaharas na naranasan ng supporter ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa loob ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines.

Sa isang viral Facebook post, sinabi ng digital marketing executive na nakatakda siyang maglaro ng golf sa Camp Aguinaldo Golf Course ng alas-10 ng umaga, araw ng Biyernes nang may isang military man sa entrance gate ng kampo ang “mayabang” na sinabihan siya na “Walang ribbon dito! ”

Sinabihan pa di umano ng military officer ang digital marketing executive na putulin ang pink ribbon na nakatali sa side mirror ng kanyang sasakyan.

Hiningan ng komento, sinabi ni Lorenzana na ang ginawa ng sundalo ay “uncalled for.”

“We have no business whatsoever what people put in their cars or what to wear for as long as they do not violate regulations,” ayon kay Lorenzana.

“I have already directed the commanders of all camps on this matter,” dagdag na pahayag ni Lorenzana.

Sinabi pa ng executive na wala siyang nalalaman na kahit na anumang tuntunin na nagbabawal sa mga ribbons, kahit pa na kung ito’y nakatali sa isang pribadong sasakyan, sa loob ng kampo lalo na sa lugar kung saan naglalaro ng golf.

“Is this right? Are you OK? Or are you just scared? Too bad for them, I am wearing pink all the way. Pink shirt, pink Leni-Kiko ribbon and pink heart,” ayon sa executive sa kanyang post na nakakuha naman ng 6,000 reactions, karamihan ay puso.

Sa social media, pinuri at pinasalamatan naman ng mga supporters ni Robredo at ng kanyang running-mate na si Sen. Francisco “Kiko” Pangilinan ang negosyante dahil pinanindigan nito ang kanyang paniniwala. Kris Jose