‘Pink Venom’ ng BLACKPINK, 400M views na!

‘Pink Venom’ ng BLACKPINK, 400M views na!

October 26, 2022 @ 3:46 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Umabot na sa 400 million views sa YouTube ang music video ng ‘Pink Venom’ ng sikat na Kpop group na BLACKPINK.

Dahil dito ay nasungkit nila ang rekord ng kauna-unahang Kpop music video sa 2022 na nakaabot sa nasabing numero.

Ang ‘Pink Venom’ ay bahagi ng second full-length album ng BLACKPINK na ‘Born Pink’ na inilabas noong Agosto, at ika-10 sa mga music video ng grupo na nakaabot din sa 400 million views!

Kabilang dito ang Boombayah, Whistle, As If It’s Your Last, Ddu-Du Ddu-Du, Kill This Love, How You Like That, Ice Cream, Lovesick Girls at Playing with Fire.

Congrats, BLINKS! RNT/JGC