Pinoy binalaan vs cryptocurrency scams

Pinoy binalaan vs cryptocurrency scams

February 21, 2023 @ 10:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa mga Pinoy na maging mapanuri at huwag agad madadala sa mga pangako kasunud na rin ng pagtaas ng kaso ng mga nabibiktima ng cryptocurrency scams.

“We must continue to educate our fellow Filipinos against these illegal activities so we can minimize the victims of these criminal syndicates. We need to remind everyone that when the offer is too good to be true, then it must be a red flag,” pahayag ni Salo na siyang Chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Ang babala ay ginawa ng solon matapos ang naging pahayag ni Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega na mayroong Chinese mafia na nag-ooperate ng cryptocurrency scams sa Southeast Asia ang tinatarget ngayon ang mga Pinoy na mag-invest sa cryptocurrency.

Kasabay nito umapela si Salo sa National Bureau of Investigation (NBI) na agad na imbestigahan ang nasabing scam at habulin ang nasa likod gayundin ay pinaiigting nito sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang pagpapatypad ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Gail Mendoza