Pinoy boxer Rivera kulong sa California

Pinoy boxer Rivera kulong sa California

May 1, 2022 @ 1:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakakulong ang Filipino boxer na si All Rivera sa Santa Rita Jail sa California dahil sa kasong pang-aabuso at pambubugbog at elder or adult abuse.

Ang website ng county ng Alameda ay nagpakita na si Rivera ay inaresto noong Abril 7 sa 1:38 AM sa San Leandro, California.

Ayon sa isang source, dinala si Rivera sa isang psychiatric facility matapos mapansin ng kanyang mga kasambahay ang pagbabago ng ugali ng boksingero dahil umano sa depression.

Habang nasa pasilidad, sinabing nagdulot ng kaguluhan si Rivera at nanlaban sa pag-aresto nang dumating ang mga pulis sa lugar.

Itinakda ng namumunong hukom ang halaga ng piyansa ni Rivera na $45,000 o humigit-kumulang P2.35 milyon at naka-iskedyul para sa pagdinig ng disposisyon sa Mayo 2 sa Wiley W Manuel Courthouse sa Oakland.

Si Rivera, 22-5 na may 18 knockouts bilang isang propesyonal na boksingero, ay huling nakipag-aksyon noong Hunyo 2021 laban kay Omar Juarez kung saan siya ay nanalo via majority decision.JC