Pinoy floral designer, panalo sa likhang toilet paper wedding dress sa New York

Pinoy floral designer, panalo sa likhang toilet paper wedding dress sa New York

June 22, 2018 @ 8:56 AM 4 years ago


New York – Naiuwi ng isang Filipino floral designer mula Chesapeake, Virginia ang tumataginting na $10,000 bilang premyo sa isang kompetisyon kung saan siya ang itinanghal na may “best toilet paper wedding dress,” kahapon sa New York.

Ang Filipino floral designer ay si Ronaldo “Roy” Cruz, 51 years old na siyang tumalo sa siyam na kalahok matapos nilang ibinida ang kani-kanilang toilet paper bridal gown creations sa Kleinfeld Bridal sa New York City.

Ang lahat ng gowns na itinampok sa nasabing event ay gawa lamang sa toilet paper, tape, glue, karayom at sinulid.

Ang likha ni Roy ay two-piece floor length gown na may beaded halter top at pleated detachable skirt habang ang veil naman nito ay gawa naman sa mga paper flowers, beads at korona.

Gumamit si Roy ng halos 28 na rolyo ng toilet paper upang makumpeto ang nasabing winning bridal gown.

Si Roy ay lumipad papuntang United States noong 2003 at ngayon ay isa ng US citizen. Planong niyang gamitin ang kaniyang napanalunan upang bumisita sa bansa.

“When they called my name I can’t really stand because I’m shaking because I’ve been waiting on this for like – five times already, this is my fourth time being on the top ten. So I’m really amazed and thankful, grateful,” sabi niya.

Ang kompetisyon na ito ay pinangunahan ng Quilted Northern and Cheap Chic Weddings. (Remate News Team)