Pinoy imports sa Korea, tumulong sa panalo ng kanilang team

Pinoy imports sa Korea, tumulong sa panalo ng kanilang team

December 5, 2022 @ 9:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umambag sa panalo sa kani-kanilang team ang mga Pinoy import sa noong  Linggo sa 2022-KBL season.

Nakuha ng Anyang KGC ang 77-73 panalo laban sa Seoul Samsung Thunders kung saan nagtala si Rhenz Abando ng limang puntos, dalawang rebound, dalawang block sa loob ng 17 minuto.

Nanguna si Omari Spellman na may 22 points at 15 boards sa panalo na nagbigay-daan sa mga bisita na manatili sa tuktok ng standing na may 15-4 card.

Tinulungan din ni SJ Belangel ang Daegu KOGAS Pegasus na palawigin ang kanilang winning streak sa apat sa pamamagitan ng 71-63 clipping ng Suwon KT SonicBoom sa Suwon KT Arena.

Nag-ambag ng puntos, dalawang rebound, at isang block ang dating Ateneo guard sa 22 minutong paglalaro.

Ang 26 points at 15 boards ni Murphy Holloway ang tumulong sa Daegu na umangat sa 7-9 na karta.

Tinapos naman ng Changwon LG Sakers ang two-game skid sa 85-84 panalo ng Goyang Carrot Jumpers sa Goyang Gymnasium.

Nakakolekta si Justin Gutang ng walong puntos, tatlong assist, at isang board para itulak si Changwon sa 9-8.JC