Pinoy influencer, binatikos sa tribute sa Grade 9 stude na brutal na pinaslang

Pinoy influencer, binatikos sa tribute sa Grade 9 stude na brutal na pinaslang

March 15, 2019 @ 11:57 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga netizen sa ginawang tribute ng Pinoy beauty influencer na si Drian Bautista kay Christine Lee Silawan, ang Grade 9 student na brutal na pinaslang sa Lapu-lapu City, Cebu.

Sa litrato kasing ibinahagi ni Bautista sa Instagram at Twitter, pinintahan niya ang kalahati ng kaniyang mukha ng bungo na inihango niya sa sinapit ni Silawan, bangkay na nang matagpuan sa isang bakanteng lote noong Lunes. Binalatan ang mukha ni Silawan, tinanggalan ng dila at hinugutan pa ng lamang loob pero base sa awtopsiya ng biktima ay hindi siya ginahasa.

Ayon sa post ni Bautista, “I did this for you RIP. Justice for Christine Lee Pardillo, 16, was raped, murdered, and they even skinned her face until her skull was exposed. It’s sad that there are people who are capable of doing such a thing.”

Nilagyan pa ni Bautista ang kaniyang post ng mga hashtag na hashtags “#DeathPenalty,” “#DeathPenaltyForRape,” at “#YesToDeathPenalty.”

Ang brutal na pagpatay kay Silawan ay bumuhay sa rekomendasyong pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Kahit na maraming supporter sa social media si Bautista, marami pa ring netizen sa Twitter ang hindi natuwa sa kaniyang tribute at sinabing tila sumobra yata ang beauty influencer at naging insensitive sa brutal na pagpatay kay Silawan.

Ayon pa sa isang netizen, ginagamit lamang ni Bautista ang brutal na pagpatay kay Silawan para kumuha ng atensiyon at sumikat.

“It’s an act of ‘lemme show you my skills (I might become famous)’,” ayon sa isang netizen.

“If he wanted to express his emotions with this look, he should have appeared grieving and sad, but no, he just looked pretty,” ayon pa sa isa.

Isang netizen naman ang pumalag sa pangbabatikos kay Bautista at sinabing, “I don’t understand why so many people want him to take this down? Don’t you understand the word ‘tribute’? Uncultured swines.”/Remate News Team