PINOY INUMAN MIX: Hanggang saan aabot ang budget mo?

PINOY INUMAN MIX: Hanggang saan aabot ang budget mo?

July 26, 2018 @ 7:38 PM 5 years ago


Hindi lang sa mga ulam at dessert nagiging creative ang recipe ng mga Pinoy, kundi pati na rin sa alak kaya heto ang ilan sa mga alcohol mix na pwede niyong makasama sa inuman session.

Kahit gaano pa kakuripot ang kainuman mo, may mix na tatama sainyo. Kwentahin na rin ang ambagan at pag-isipan ang pulutan!

100-peso inuman session

Ito yung sesyon na pang mga 10K budget per family lang.

#DEFAULT – tinatawag ding ‘gin bulag’ noong ‘90s at ang isa sa mga basic mix na madalas present sa inuman.

  • Gin bilog
  • Pomelo juice (powder+water)
  • Ice

Isang teknik sa paggawa nito ay sisindihan ang bote ng gin gamit ang lighter at saka idu-dunk sa pomelo juice.

#SHEMBOT – pamilyar na ang inumin na ito kahit sa mga hindi mahilig uminom. Ginagamitan din ng lighter teknik tulad ng sa Default.

  • Gin bilog
  • Instant coffee
  • Melon juice
  • Water + ice

 

#LADY ZOMBIE – tinawag na ‘zombie’ dahil tila magmumukha ka nang zombie matapos mo inumin ito.

  • 1 Gin bilog
  • 500ml clear softdrinks
  • Strawberry juice
  • Ice

‘150 ang baon’ inuman session

Baka naman may ilalabas ka pa sa ambagan para sa 150-baon inuman session:

#ZESTONOV – tinatawag ding ‘kalye-style screwdriver’ ng ilan. Tunog-’sosyal’ dahil sa vodka.

  • Vodka
  • Orange juice
  • Ice

#BEERGIN (virgin) – classic beer at gin mix na may minty flavor

  • Gin
  • Beer
  • Menthol candy
  • Ice

Haluin nang mabuti kasama ang menthol candy.

#SAVOGUE – Isa rin sa mga default na recipe sa inuman. Pwedeng i-adjust ang pineapple juice mix o ang gin kung natatapangtan ka sa lasa nito.

  • Beer
  • Gin
  • Pineapple juice
  • Ice

Mapapahagulgol mo ang heartbroken mong kuya o ate at lahat ng tao ay gaganda at gagwapo sa paningin mo; yan lang ang ilan sa pwedeng mangyari pagtapos inumin ito.

WALWALAN session

Kung bigatin o handa naman kayong mag-butas ng bulsa at bituka, gee na tayo at mag-WALWALAN session: 

#INIDORO MIX – inumin na magdudulot sayo ng isang buong araw na diarrhea kinabukasan.

  • 250ml rhum
  • 1 can condensed milk
  • 2 sachets or the equivalent of 4 table spoons of powdered coffee
  • 3 sachets or the equivalent of 6 table spoons of chocolate malt powder drink
  • Ice

Kailangan haluin ng mabuti at tunawin ang powder, pwede ring gamitan ng strainer para sure.

#KNOCKOUT – tinawag din na traydora dahil sa lakas ng tama nito. Paghalu-haluin lang ang:

  • Rhum
  • Beer
  • Softdrinks (clear/black)
  • Ice

‘Masarap inumin pero kinabukasan para kang papatayin’ nakakatawang komento ng ilan sa mga nakasubok nito.

#BAGSAKAN – tinatawag na ‘TaGaKa’ ng mga Davaeno (Tanduay, Gatas, Kape) dahil literal na bagsak ka (matagak) pagtapos.

  • 1 “lapad” bottle of rum
  • 1 can of condensed milk
  • 1 sachet of instant coffee or the equivalent of 3 tablespoons of coffee
  • 800 ml of water
  • Ice

Masarp inumin pero masarap din i-umpog ang ulo sa pader pagtapos.

#AMBULANSYA – ambulansiya ang tawag dahil sa dami ng ingredients baka masugod ka sa ospital ‘pag di mo kinaya.

  • 2 shots vodka
  • 2 shots rum
  • 2 shots tequila
  • 2 shots brandy or whiskey
  • 2 shots gin
  • 2 shots grenadine syrup
  • 1 cup orange juice
  • 1 cup pineapple juice
  • Ice

Wala nang explanation. Basta mag-ingat ka nalang.

Likas na sa mga Pinoy ang inuman pero hinay lang ang pag-inom sa mga ito at laging tatandaan na ilagay sa tiyan at ‘wag sa utak ang alak. Tapusin ang inuman at wag hayaan na ang inuman ang tumapos sayo. (Remate News Team)