Pinoy lawyer na binaril sa US tuluyan nang nasawi

Pinoy lawyer na binaril sa US tuluyan nang nasawi

June 20, 2022 @ 9:17 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na si Atty. Pumanaw na si John “Jal” Laylo, ang Filipino lawyer na binaril habang bumibisita sa mga kamag-anak sa United States.

Ayon sa ina ng biktima na si Leah Bustamante Laylo, namatay si John ng madaling araw ng Lunes (oras sa Pilipinas).

“I thank God for the 35 years of his life. I’m beyond grateful for having a good, smart, generous, loving, caring son. These are the adjectives I can think of now. I’m lost of words!” ani Leah sa kanyang FB post.

Sila ay papunta sa airport kasama ang kanyang ina upang habulin ang kanilang paglipad patungong Chicago nang ang kanilang sasakyan ay pinaputukan ng anim na bala.

Samantala, si incoming Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, na nag-alerto sa DFA ng insidente, ay nagpaabot din ng panalangin sa paggaling at hustisya. Nagtrabaho si Laylo kay Ople bilang chief of staff sa kanyang kampanya sa pagkasenador noong 2010.

Si Laylo ay naging legislative staff officer din ni Sen. Manuel Roxas II mula 2007 hanggang 2009, associate partner sa DB Law Partnership mula 2015 hanggang 2016, at isang supervising legislative lawyer sa Senado mula 2016 hanggang 2018. RNT