Pinoy lensman wagi sa Boston Drone Film Fest

Pinoy lensman wagi sa Boston Drone Film Fest

March 24, 2021 @ 11:36 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nasungkit ng isang Filipinong lensman na nakabase sa Los Angeles ang Boston Drone Film Festival award.

Nanalo sa Nature Photo category si Eric de Leon para sa larawan nitong “The Famous Siargao Island.”

Nakakuha rin ng tatlong nominasyon si De Leon sa Emily Bailly (“Missed the Boat”), Nick Smith (“Grainy Lines”), at Sebastian M (“Sulfur”) na kinunan din sa Siargao.

Ang Boston Drone Film Festival ay taunang aerial photography at cinematography festival upang kilalanin ang mga mahuhusay na drone photographers at drone cinematographers sa buong mundo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •