Pinoy may ‘pushback’ vs ABS-CBN franchise denial – Robredo

Pinoy may ‘pushback’ vs ABS-CBN franchise denial – Robredo

July 12, 2020 @ 2:26 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Vice President Leni Robredo na ang sambayanang Filipino ang makapagsasabi kung naging patas ang mga mambabatas sa naging desisyon tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Iyong tao nanonood naman ng mga hearing. Iyong tao ang makakapagsabi kung palagay ba nila naging impartial,” pahayag ni Robredo.

“Hindi pa ito tapos dahil mayroong pushback iyong mga tao,” giit pa nito.

Sinalungat din nito ang naging pahayag ni presidential spokesman Harry Roque na ang pag-deny sa prangkisa ay desisyon ng ‘Filipino people’.

“Iyon ang nakakapanghina ng tuhod. Hindi lang tuhod pero ng buong katawan kapag sinasabi na desisyon ng taong bayan,” lahad ng bise. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...