Pinoy MMA fighter Abelardo bigo kay Andrade

Pinoy MMA fighter Abelardo bigo kay Andrade

August 1, 2020 @ 9:13 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Natalo si Filipino mixed martial arts (MMA) fighter Mark “Tyson” Fairtex Abelardo sa laban nito kontra kay Fabricio Andrade ng Brazil sa katatapos na ONE: No Surrender na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Yumukod si Abelardo sa ikalawang round ng kanilang laban sa pamamagitan ng submission.

Hindi na nakaporma si Abelardo kay Andrade na ginamit ang height advantage para durugin ang Pinoy.

Pinaulanan ni Andrade si Abelardo ng suntok at sipa, sabay distansya para hindi na makaganti pa ang Pinoy.

Upang makabawi, sinubukan pa ng Pinoy-Kiwi fighter na tapatan ang lakas at laki ni Andrade pero napuluputan na ito ng binti at braso ng kalaban na nagresulta sa rear-naked choke submission sa ikalawang round.

Dahil sa pagkatalo lumagapak ang record ni Abelardo sa 19 panalo at walong talo habang si Andrade ay mayroong tatlong panalo at dalawang talo. Rico Navarro

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...